Gusto nang tapusin ng National University

MANILA, Philippines — Nais ni reigning MVP Mhicaela “Bella” Belen na maging memorable ang huling taon at season nito sa National University at sa UAAP collegiate league.
Nagtapos ng kursong Psychology at posibleng huling laro na ng 22-anyos na si Belen sa NU, haharapin nila ang De La Salle University sa Game 2 best-of-three finals ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na lalaruin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, ngayong araw.
Magsisimula ang paluan ng bola sa pagitan ng Lady Bulldogs at Lady Spikers sa alas-5 ng hapon.
Sinakmal ng Lady Bulldogs ang panalo sa Game 1 noong Linggo, 25-17, 25-21, 13-25, 25-17 na nilaro sa Smart Araneta Coliseum kung saan nirehistro ni two-time MVP Belen ang triple double na 19 puntos, 15 excellent digs at 10 excellent receptions habang nagtala ng season-high 21 attacks points si Evangeline Alinsug.
Kaya namumuro ang NU sa pagsilo ng back-to-back titles at maging bongga ang pagtatapos ng collegiate career ni Belen.
Naniniwala si Belen na ang magandang samahan nila sa team ang susi sa kanilang mga tagumpay at ito ang kanyang hahanap-hanapin sakaling sumampa ito sa pro league.
“Malaking bagay ang chemistry, lalo na sa volleyball,”ani Belen. “Kilala na namin iyung bawa’t isa.
Maliban kina Belen at Alinsug, huhugot din ng lakas si NU head coach Sherwin Meneses kina Alyssa Jae Solomon at libero Shaira Jardio.
Samantala, ipaparada naman ni DLSU mentor Ramil De Jesus sina Angel Anne Canino, Shevana Laput at Amie Provido para masilo ang panalo at makahirit ng Game 3.
- Latest