^

PSN Palaro

Brownlee balik-aksyon sa June

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Brownlee balik-aksyon sa June
Justin Brownlee
STAR / File

MANILA, Philippines — Handa si naturalized player Justin Brownlee na banderahan ang Gilas Pilipinas sa 2025 FIBA Asia Cup na idaraos sa Agosto sa Jeddah, Saudi Arabia.

Ito ang tiniyak ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone matapos sumailalim ang Barangay Ginebra import na si Brownlee sa minor operation dahil sa tinamo nitong injury.

Matatandaang nagtamo ng injury si Brownlee sa daliri sa kasagsagan ng PBA Season 49 Commissioner’s Cup finals series sa pagitan ng Barangay Ginebra at Talk ’N Text.

Matapos ang Commissioner’s Cup, agad na sumalang si Brownlee sa operasyon at kasalukuyan na itong nagpapagaling para mapaghandaan ang mga susunod na laban ng Gilas Pilipinas.

Ayon kay Cone, inaasahang makababalik na sa aksyon si Brownlee sa susunod na buwan upang maibalik ang magandang kundisyon nito para sa FIBA Asia Cup.

Mayroon pang mahigit isang buwan na pahinga si Brownlee bago ang  Asian meet dahil sa Hulyo 27 pa matatapos ang kasaluku­yang PBA Philippine Cup.

Matapos ang Philippine Cup, makakasama na ni Brownlee ang mga teammates nito sa Gilas Pilipinas para paghandaan naman ang FIBA Asia Cup.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with