^

PSN Palaro

Celtics nakabawi sa Game 3

Pilipino Star Ngayon
Celtics nakabawi sa Game 3
Jayson Tatum.
Adam Glanzman / Getty Images / AFP

NEW YORK - Nagkuwintas si Jayson Tatum ng 22 points, 9 rebounds at 7 assists at umiskor si Payton Pritchard ng 23 points sa 115-93 pagganti ng nagdedepensang Boston Celtics sa Knicks sa Game 3 at ilapit sa 1-2 ang kanilang Eastern Conference semifinals series.

Kumonekta ang Boston ng 20 three-point shots at nagtayo ng isang 31-point lead para talunin ang New York.

“You’ve got to beat us four times. That’s what it comes down to. Not twice, not once, not three,” ani Celtics forward Jaylen Brown na nagdagdag ng 19 markers. “You’ve got to win four games, so there’s a lot of basketball to be played.”

May 17 points si Derrick White para sa defending champion na hangad makatabla sa Knicks sa Game 4.

Binanderahan ni Jalen Brunson ang New York sa kanyang 27 points at humakot si Karl-Anthony Towns ng 21 points at 15 rebounds.

Sa San Francisco, kumamada si Anthony Edwards ng 36 points at humakot si Julius Randle ng triple-double na 24 points, 12  assists at 10 rebounds para tulungan ang Minnesota Timberwolves sa 102-97 panalo sa Golden State Warriors sa Game 3 at kunin ang 2-1 lead sa kanilang Western Conference semifinals series.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Timberwolves matapos makauna ang Warriors sa Game 1.

JAYSON TATUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with