^

PSN Palaro

Eala, Gauff nagparamdam agad sa Italian Open

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala, Gauff nagparamdam agad sa Italian Open
Alexandra Eala.
Rich Storry / Getty Images / AFP

MANILA, Philippines —  Maganda ang tambalan nina Alex Eala at American world No. 3 Coco Gauff sa women’s doubles ng ginaganap na Italian Open sa Rome, Italy.

Mainit na sinimulan nina Eala at Gauff ang kampan­ya nito matapos ilampaso sina Alexandra Panova ng Russia at Fanny Stollar ng Hungary sa bendisyon ng 6-3, 6-1 panalo sa opening round.

Ito ang unang pagkaka­taon na nagsama sina Eala at Gauff sa doubles.

Subalit hindi naging problema ang chemistry nang ilatag ng dalawa ang matatalim na atake para mabilis na pataubin ang kanilang karibal.

Nagtala sina Eala at Gauff ng pinagsamang pitong aces habang nagtala rin ito ng 31 service points.

Kaya naman, umusad sina Eala at Gauff sa Round of 16 kung saan pakay ng dalawa na maipagpatuloy ang magandang ratsada nito para makahirit ng tiket sa quarterfinals.

Makakasagupa nina Eala at Gauff sina Italians Lisa Pigato at Tyra Caterina Grant.

Nakapasok sa Round-of-16 sina Pigato at Grant matapos itakas ang pukpukang 2-6, 6-4, 10-5 come-from-behind win laban kina Anna Danilina at Irina Khromacheva ng Kazakhs­tan sa kanilang first round match

Target ni Eala na ma­kausad sa doubles upang makalikom ng ranking points sa WTA.

Kasalukuyan itong nasa ika-64 sa live ran­kings ng WTA.

May career-high na No. 70 si Eala sa aktuwal na WTA rankings ngunit inaasahang aangat ito sa oras na muling maglabas ng panibagong rankings ang WTA.

EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with