Valientes
May new buyer na ang Terrafirma franchise sa PBA.
At kung talagang kasing lalim ng dagat ang budget nila, malamang eh matuloy na ang deal matapos pumalpak ang usapan with the previous buyer.
Kaya sa next PBA season, ang 50th nito, sa October, baka may bagong team na tayo makita.
Ito ang Zamboanga Valientes na dinadala din ang tatak na Family’s Brand Sardines. Masa ang dating – sardinas.
Nag-meet na daw ang Valientes team owner na si Junie Navarro, ang kanyang ina na si Cory Navarro, at si PBA commissioner Willie Marcial.
Maganda ang ugong. In fact, may nabasa pa akong report na “almost done deal” na.
Of course, easier said than done. Unang-una, malaking halaga. Dehins chicken feed ang pinag-uusapan.
At sa tono na P100 million, maghapon o magdamag ang bilangan.
Na-meet na natin si Junie at ang una kong impression eh madaling kausap. At generous, maging sa mga basketball players nila or sa professional boxers na tinutulungan nila.
Hindi bago sa basketball ang Valientes dahil sumali na sila sa Mindanao-Visayas Basketball Association (VMBA), National Basketball Conference (NBC), Liga Pilipinas at lately, ang MPBL ni former senator Manny Pacquiao.
Ngayon, gusto nila pasukin ang PBA.
The door is open.
- Latest