Celtics puro na sa semis

ORLANDO — Kumamada si Jayson Tatum ng 37 points at may 21 markers si Jaylen Brown sa 107-98 panalo ng nagdedepensang Boston Celtics sa Magic at agawin ang 3-1 abante sa kanilang Eastern Conference first-round series.
Nagkadena si Derrick White ng 18 points, 7 rebounds at 7 assists para sa Boston at may 19 markers si 7-foot-3 Kristaps Porzingis tampok ang isang dunk sa huling 3:58 minuto na tumiyak sa panalo ng Boston.
Binanderahan ni Paolo Banchero ang Orlando sa kanyang 31 points habang may 24 markers si Franz Wagner.
Ang dunk ni Wendell Carter Jr. ang nagtabla sa Magic sa 91-91 sa 4:18 minuto ng fourth quarter bago kumamada ang Celtics para sa kanilang unang panalo sa Orlando sapul noong Oktubre ng 2022.
Sa Minneapolis, kinumpleto ni Jaden McDaniels ang isang three-point play sa huling 39.5 segundo at inagaw ang isang inbounds pass mula kay LeBron James para sa 116-113 panalo ng Minnesota Timberwolves sa Los Angeles Lakers at iposte ang 3-1 lead sa kanilang serye.
Sa Milwaukee, umiskor si Myles Turner ng 23 points sa 129-103 paggupo ng Indiana Pacers sa Bucks para kunin ang 3-1 lead sa kanilang banggaan.
Sa Detroit, isinalpak ni Karl-Anthony Towns ang isang triple sa huling 46.6 segundo at tumapos na may 27 points habang naglista si Jalen Brunson ng 32 points at 11 assists sa 94-93 paglusot ng New York Knicks sa Pistons at itayo ang 3-1 bentahe sa duwelo.
- Latest