^

PSN Palaro

UST nilaglag ng NU sa playoffs

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
UST nilaglag ng NU sa playoffs
Ito’y dahil nagtala pa rin ng panalo ang Lady Bulldogs kontra University of Sto. Tomas, 23-25, 25-17, 25-18, 22-25, 15-9 kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kontra La Salle para sa No. 2 spot

MANILA, Philippines — Ayaw paawat ng defending champion National University kahit sigurado na sila sa No. 1 seed at pagsilo ng twice-to-beat advantage sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament.

Ito’y dahil nagtala pa rin ng panalo ang Lady Bulldogs kontra University of Sto. Tomas, 23-25, 25-17, 25-18, 22-25, 15-9 kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nahirang na Best Pla­yer of the Game si Mhicaela “Bella” Belen matapos nitong tulungan ang NU na ikahon ang pang 12 na panalo sa 14 na laro sa torneong may eight-team double round robin eliminations.

Tumikada si Belen ng 26 points mula sa 24 attacks at dalawang blocks para sa Lady Bulldogs na haharapin ang  No. 4 seed na Far Eastern University sa semifinals.

Subalit bago magsi­mula ang semis ay magbabanatan muna ang UST at De La Salle University para sa No. 2 spot at pagsilo ng pangalawang twice-to-beat bonus.

Magkasalo ang Golden Tigresses at Lady Spikers sa pangalawang puwesto ng team standings, tangan ang tig-9-5 record, kapareho nilang karta ang Lady Tamaraws pero dahil sa mababang tie break points ay lumanding ang huli sa pang-apat. 

Kuha sana ng UST ang No. 2 seeding kung nasilat nila ang powerhouse NU.

Lumabas ang bangis ng NU nang masugatan sa first set, nilapa nila sa second at third frames ang España-based squad para mamuro sa pagsilo ng panalo.

Pero hindi basta nagpadaig ang Golden Tigresses, kinalmot naman nila ang fourth set upang makahirit ng deciding fifth set.

Muling nilabas ng NU ang kanilang tikas sa dikdikang labanan kaya naman nakuha nila ang mahirap na panalo.

Samantala, mabalasik na tinapos ng Adamson University ang kanilang kampanya nang tukain nila ang 25-13, 25-21, 25-18 panalo kontra University of the Philippines sa unang laro.

Patuloy ang pagpapasiklab ni super rookie Shaina Marie Nitura, muli nitong pinangunahan ang opensa para sa Lady Falcons upang ilista ang 6-8 karta at saluhan ang biktima sa No. 5 sa overall.

Tumikada si Nitura ng 22 points mula sa 18 attacks at tig-dalawang blocks at service aces para sa Adamson.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with