Tropang 5G reresbak sa FiberXers

MANILA, Philippines — Mabilis na bawi ang nais ng TNT Tropang 5G kontra sa Converge matapos sumemplang sa simula ng Grand Slam bid nito sa 2025 PBA Philippine Cup ngayon sa Ynares Sports Center sa Antipolo.
Magtatagisan ang Tropang 5G at FiberXers sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng duwelo ng Meralco (2-2) at Rain or Shine (1-1) sa alas-5 ng hapon.
May 0-1 kartada ang TNT na bumalentong kontra sa NLEX sa debut nito, 91-74, para sa maalat na simula ng tangkang ikatlong sunod na kampeonato matapos maghari sa Governors’ Cup at Commissioner’s Cup.
Parehong kasama ng Tropang 5G sa dalawang titulo nito si Rondae Hollis-Jefferson kaya ininda ang pagkawala nito sa All-Filipino, na siyang hamon sa kanila at dapat patunayang kaya pa ring magwagi.
Upang magawa ito ay kailangang punan ng TNT ang pagkawala din ng batikang guwardiya na si Jayson Castro dahil sa season-ending injury.
Nakahandang mamuno sa Tropang 5G ang Commissioner’s Cup Finals MVP na si Rey Nambatac kasama sina Calvin Oftana, Roger Pogoy, Kelly Williams, Glenn Khobuntin at Poy Erram.
Sa kampo naman ng Converge, ikalawang sunod na tagumpay ang hangad nila para makaangat sa 3-2 card matapos ang 111-80 panalo kontra sa Blackwater. Parehong tangan ng DLSU at FEU ang tig-9-5 karta, pero uupuan ng Lady Spikers ang No. 3 spot dahil sa mataas na tiebreak points, lalanding naman sa pang-apat ang Lady Tamaraws.
- Latest