^

PSN Palaro

Zhetysu swak sa AVC Finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumalo si Karyna Denysova ng 14 points mula sa 14 attacks sa 25-20, 25-21, 25-21 pagwalis ng Zhetysu ng Kazakhstan sa Nakhon Ratchasima QminC ng Thailand papasok sa 2025 AVC Women’s Volleyball Champions Cup Finals kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Hindi pa natatalo ang Zhetysu sa torneo para sumampa sa championship round.

Haharapin ng mga Kazakhs sa finals ang magwawagi sa semifinals game ng VTV Binh Dien Long An ng Vietnam at Baic Motor ng China na naglalaban pa habang isinusulat ito kagabi.

Samantala, umaasa sina Fil-Ams Brooke Van Sickle at MJ Phillips ng Petro Gazz na maisusuot ang uniporme ng Alas Pilipinas.

Hanggang ngayon kasi ay inaayos pa ang mga papeles nina Van Sickle at Phillips, naghatid sa Gazz Angels sa kampeonato ng nakaraang 2025 PVL All-Filipino Conference, sa USA Volleyball.

Kung hindi man maplantsa ng USA Volleyball ang kanilang mga dokumento sa tamang oras ay masayang susuporta sina Van Sickle at Phillips sa pagsabak ng Alas Pilipinas sa mga international tournaments.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with