^

PSN Palaro

No Deal

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Dehins natuloy ang benta ng Terrafirma franchise sa Starhorse.

Sabi ni PBA commissioner Willie Marcial, may requirements ang liga na dehins na-meet ng Starhorse.

Sa separate na usapan between Terrafirma and Starhorse, meron din daw dehins ma-finalize.

Natural, financial aspects ‘yan. Alangan namang ang naging problema eh kung anong kulay ng uniform na gagamitin ng bagong team.

Well, personally, dehins ako nagtaka kung bakit ganito ang naging ending.

Noon pa man, nagulat ako bakit isang shipping line gaya ng Starhorse ang biglang gusto pumasok sa PBA kung saan ang teams eh consumer-related products gaya ng San Miguel Beer, Ginebra, Magnolia o kaya eh Blackwater at Rain or Shine o services gaya ng Meralco, NLEX at TNT.

Or Converge, Phoenix at NorthPort.

Isa pang natanong ko nung unang lumabas ang balita ng bentahan eh kung may financial capability ba ang Starhorse na bilhin ang Terrafirma sa halagang P100 million at kung kaya nito ang maintenance ng isang PBA team na mga P100 million to P200 million a year.

Para kang bumili ng magarang kotse dahil may pambili ka tapos eh aangal ka dahil malakas pala sa gasoline at mahal ang maintenance.

May isa pa akong naisip.

Baka may mga kausap ang Starhorse na kasosyo sa pagbili ng PBA franchise na biglang umurong.

Beke nemen.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with