Celtics, Cavs tinuhog ang 2-0 lead

BOSTON — Humakot si Jalen Brown ng 36 points, 10 rebounds at 5 assists para gabayan ang nagdedepensang Celtics sa 109-100 paggiba sa Orlando Magic sa Game Two at itala ang 2-0 lead sa kanilang Eastern Conference first-round series.
Nagdagdag si Kristaps Porzingis ng 20 markers at may 17 points si Derrick White para sa Boston habang hindi naglaro si Jayson Tatum dahil sa wrist injury sa Game One.
“Obviously, JT is the offensive leader, and we play off of him,” sabi ni Brown kay Tatum. “But any given night I can rise to the occasion.”
Pinamunuan ni Paolo Banchero ang Orlando sa kanyang 32 points kasunod ang 25 markers ni Franz Wagner.
Nagposte ang Celtics ng isang 15-point lead sa second half at pinigilan ang paglapit ng Magic para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa serye.
“They came out of the locker room and went on a run. We had trouble coming back from that,” ani Banchero sa defending champions.
Sa Cleveland, humataw si Donovan Mitchell ng 30 points para pamunuan ang Cavaliers sa 121-112 pagtuhog sa Miami Heat sa Game Two at itarak ang 2-0 bentahe sa kanilang Eastern Conference first-round series.
Binanderahan ni Tyler Herro ang Miami sa kanyang 33 points habang may 18 markers si Davion Mitchell.
Sa Houston, nagpasabog si Fil-American Jalen Green ng 38 points tampok ang walong tres sa 109-94 pagresbak ng Rockets sa Golden State Warriors at itabla sa 1-1 ang kanilang serye.
- Latest