^

PSN Palaro

Lyceum itutuloy ang pananalasa sa JRU

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Lyceum itutuloy ang pananalasa sa JRU
Joan Doguna
NCAA / GMA

MANILA, Philippines — Tiyak na ganado mag­laro ang Lyceum of the Philippines pagharap nila sa Jose Rizal University nga­yong araw sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na lalaruin sa FilOil Arena sa San Juan.

Ito’y dahil malaking isda ang nabingwit ng Lady Pirates sa huli nilang laro noong Miyerkules.

Muling ipaparada ng Intramuros-based squad si Joan Doguna upang maduplika ang five sets win nila kontra University of Perpetual Help System Dalta, 21-25, 25-21, 29-31, 25-14, 15-12.

Magsisimula ang banatan ng LPU at JRU sa alas-2:30 ng hapon pagkatapos ng paluan ng bola sa pagitan ng Arellano University at San Sebastian College - Recoletos sa alas-12 ng tanghali.

Dahil sa panalo ay napaganda ng LPU ang kanilang karta sa 4-6 at nabigo nila ang Lady Altas sa asam nilang kumapit sa tuktok ng liderato.

Humarurot sa opensa si Doguna matapos niyang irehistro ang 27 points mula sa 23 attacks, tatlong service aces at isang block sapat para mapiling Best Player of the Game.

Paniguradong huhugot din ng puwersa ang LPU kina Johna Denise Dolorito, Janeth Tulang, Heart Bio at Hiromi Osada para masikwat ang panalo sa Lady Bombers at mas mapalakas ang tsansa nilang sumampa sa susunod na phase.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with