^

PSN Palaro

Lyceum sinilat ang Perpetual

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakaka-aninag pa rin ng liwanag ang Lyceum of the Philippines University matapos nilang silatin sa limang sets ang University of  Perpetual Help System Dalta, 21-25, 25-21, 29-31, 25-14, 15-12 sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil Arena sa San Juan kahapon.  

Kinapitan ng Lady Pirates ang mainit na laro nina Joan Doguna at Johna Denise Dolorito upang sabayan ang tikas ng Lady Altas at makuha ang mahirap at importanteng panalo.

Tumikada si Doguna ng 27 points mula sa 23 attacks, tatlong service aces at isang block sapat para mapiling Best Player of the Game.

Bahagyang gumanda ang karta ng Intramuros-based squad sa 4-6, nakapuwesto sila sa seventh place at dahil may walong laro pa ang nalalabi sa 10-team double round robin eliminations ay malaki ang tsansa nilang umusad sa susunod na phase.

Nagtala si Dolorito ng 20 markers, bumakas sina Janeth Tulang, Heart Bio at Hiromi Osada ng tig 14, 13 at 10 points ayon sa pagkakasunod para sa Lady Pirates.

Nalasap naman ng Lady Altas ang pangatlong kabiguan sa 10 salang, kasalo nila sa No. 3 spot sa team standings ang Mapua Cardinals na nabigo sa unang laro kontra Emilio Aguinaldo Lady Generals.

Nag-aagawan naman sa tuktok ang defending champion College of Saint Benilde at Letran na may tig-8-2 baraha.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with