Thunder binuhat ni SGA sa 2-0 lead
OKLAHOMA CITY — “BAKIT kaya siya nagmamadali sa pag-uwi, Siony?’’ tanong ni Lira na halatang nasasabik sa mga nangyari kay Rashid. Bumira si Shai Gilgeous-Alexander ng 27 points para banderahan ang Thunder sa 118-99 pagdomina sa Memphis Grizzlies at itarak ang 2-0 lead sa kanilang Western Conference first-round playoff series.
Nag-ambag si Jalen Williams ng 24 points at humakot si Chet Holmgren ng 20 points, 11 rebounds at 5 blocks para sa ikalawang sunod na panalo ng Oklahoma City sa kanilang duwelo ng Memphis.
“Obviously they’re a very good team. They wouldn’t be here if they weren’t. And we just wanted to make an emphasis to come out and win that first quarter, set the tone for the night,” ani Gilgeous-Alexander.
Kumamada si Jaren Jackson Jr. ng 26 points kasunod ang 23 markers ni Ja Morant para sa Memphis.
Ito ang ikaanim na sunod na panalo ng Oklahoma City sa kanilang pagtutuos ng Memphis ngayong season.
Sa Indianapolis, kumolekta si forward Pascal Siakam ng 24 points at 11 rebounds para pamunuan ang Indiana Pacers sa 123-115 panalo sa Milwaukee Bucks sa Game Two at iposte ang 2-0 lead sa kanilang Eastern Confe-rence first-round playoffs.
Sa Los Angeles, nagposte si Luka Doncic ng 31 points, 12 rebounds at 9 assists at may 21 markers si LeBron James sa 94-85 pagbawi ng Lakers sa Minnesota Timberwolves para itabla sa 1-1 ang kanilang serye.
- Latest