Clippers itinabla ni Kawhi sa 1-1
DENVER — Nagkuwintas si Kawhi Leonard ng 39 points sa 105-102 pagresbak ng Los Angeles Clippers sa Nuggets sa Game Two ng kanilang first-round playoffs series.
Itinabla ng Los Angeles sa 1-1 ang upakan nila ng Denver.
Bigo si Christian Braun na maipasok ang kanyang three-point attempt para sa Nuggets kasunod ang mintis na tres din ni Nikola Jokic sa pagtunog ng final buzzer.
Tumapos si Jokic na may 26 points, 12 rebounds at 10 assists para sa kanyang pang-19 triple-double sa season.
Umiskor si Leonard ng 21 points sa first half at naagawan si Jokic sa huling 37 segundo ng fourth period.
May tsansa ang Clippers na makuha ang 2-1 lead sa serye sa kanilang pag-host sa Game Three.
Sa New York, kumolekta si Cade Cunningham ng 33 points at 12 rebounds habang isinalpak ni Dennis Schroder ang tiebreaking 3-pointer sa huling 55 segundo sa 100-94 pagbawi ng Detroit Pistons sa Knicks sa Game Two ng kanilang first-round playoffs series.
Tinapos ng Detroit ang kanilang NBA-record na 15-game postseason losing slump sa New York para itabla sa 1-1 ang serye nila.
Ipinasok ni Schroder ang pambasag na 3-pointer para sa 97-94 abante ng Pistons.
Isang 16-4 atake ang ginawa ng Knicks para makatabla sa 94-94 tampok ang dunk ni Josh Hart na umiskor ng 20 points.
- Latest