Celtics nagdomina sa Magic sa Game 1

BOSTON — Kumana si Derrick White ng 30 points habang may 17 markers si Jayson Tatum sa 103-86 demolisyon ng nagdedepensang Celtics sa Orlando Magic sa Game One ng kanilang first-round Eastern Conference playoff series.
Nagdagdag si Payton Pritchard ng 19 points at may 16 markers si Jaylen Brown para sa 1-0 bentahe ng Boston sa kanilang best-of-seven showdown ng Orlando.
“We’ve got many different ways we can win. A lot of different things we can throw at teams,” ani White sa Celtics.
Humakot si Paolo Banchero ng 36 points at 11 rebounds kasunod ang 23 markers ni Franz Wagner sa panig ng Magic.
Bumanat ang Boston ng 30 points sa third period para iposte ang 78-65 kalamangan sa Orlando patungo sa pagtatala ng 19-point lead sa fourth quarter.
Sa Oklahoma City, kumamada si Aaron Wiggins ng 21 points habang may 20 markers si Jalen Williams sa 131-80 paglampaso ng Thunder sa Memphis Grizzlies para sa 1-0 lead sa kanilang serye.
Sa Cleveland, nagkadena si Donovan Mitchell ng 30 points sa 121-100 pagpapalamig ng Cavaliers sa Miami Heat para sa 1-0 kalamangan sa kanilang duwelo.
Sa Houston, nagsalpak si Stephen Curry ng 31 points kasunod ang 25 markers ni Jimmy Butler sa 95-85 paggiba ng Golden State Warriors sa Rockets para sa 1-0 series lead.
- Latest