^

PSN Palaro

Eala-Swiatek rematch posible sa Madrid Open

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala-Swiatek rematch posible sa Madrid Open
Alexandra Eala of the Philippines serves against Madison Keys of the United States during their match on day 6 at Hard Rock Stadium on March 23, 2025 in Miami Gardens, Florida.
Rich Storry / Getty Images / AFP

MANILA, Philippines — Posibleng muling magtuos sina Alex Eala at Grand Slam champion Iga Swiatek ng Poland sa Mutua Madrid Open na nakatakdang umarangkada ngayong araw sa Madrid, Spain.

Sisimulan ni Eala ang kampanya nito sa Madrid Open laban kay Vikotoriya Tomova ng Bulgaria sa first round.

Nakatakda ang laro nina Eala at Tomova sa alas-5 ng hapon (oras sa Maynila).

Kung mananaig si Eala kay Tomova, haharap sa matinding pagsubok ang Pinay netter dahil makakasagupa agad nito si Swia­tek sa second round.

Dahil sa mataas na ran­king, binigyan si S­wiatek ng opening-round bye kaya’t magkakaroon ito ng pahi­ngan at sariwa itong haharap kay Eala.

May 1-0 bentahe si Eala kay reigning French Open champion Swiatek sa kanilang head-to-head.

Matatandaang ginulantang ni Eala ang Polish world No. 2 player sa quarterfinals ng Miami Open noong nakaraang buwan matapos itarak ang 6-2, 7-5 panalo.

Hard court ang ginamit sa Miami Open.

At ibang usapan na ang clay court na isa sa paboritong surface ni Swiatek.

Nakalikom lang naman si Swiatek ng apat na korona sa French Open — noong 2020, 2022, 2023 at 2024.

Kaya naman magiging mabigat ang labang ito para kay Eala.

Bago ito, kailangan munang ituon ni Eala ang kanyang atensiyon kay  Tomova.

Galing si Eala sa kampanya sa Oeiras Ladies Open sa Portugal kung saan natalo ito sa second round kontra kay Panna Udvardy ng Hungary, 6-7 (4), 4-6.

Aminado si Eala na hirap itong maglaro sa clay court dahil mas sanay itong lumaro sa hard court.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with