^

PSN Palaro

Letran, CSB iiwas matalo

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pakay ni Wielyn Estorque at ng defending champion College of Saint Benilde na manatili sa tuktok ng liderato pagharap nila sa Jose Rizal University sa simula ng second round ng NCAA Season 100 women’s volleyball tournament  ngayong araw.

Magtatapat ang Taft-based squad at Jose Rizal University sa alas-2:30 ng hapon sa FilOil Arena sa San Juan pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng Letran at San Beda University sa alas-11 ng umaga.

Nakasiksik ang Lady Blazers sa four-way tie sa No. 1, kasama nila ang Lady Knights, University of Perpetual Help System Dalta at Mapua University, tangan ang tig-7-2 baraha.

Bagama’t may siyam na laro sa second round ay wala pa rin ang nakatitiyak sa pagsampa sa Final Four pagkatapos ng 10-team double round robin.

Bukod kay Estorque, huhugot din ng puwersa ang Lady Blazers kina Francis Mycah Go, Clydel Mae Catarig, Zamantha Nolasco at Sophia Margarette Badion.

Pang-syam sa team standings ang Lady Bom­bers pasan ang 1-8 card, sasandalan nila sa opensa sina Czarina Ramos, Patricia Ann Del Pillar at Nicole Grace Deala para masilat nila ang pinapaborang CSB.

Samantala, nasa kukote rin ng Lady Knights na palakasin ang kapit sa top spot upang malaki ang tsansa nilang umusad sa susunod na phase.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with