Nuggets itinakas ni Westbrook sa OT

DENVER - Tinapik ni Russell Westbrook ang isang inbounds pass kay James Harden sa huling 9.6 segundo na sumelyo sa 112-110 overtime win ng Nuggets sa Los Angeles Clippers sa Game One ng kanilang first-round series.
“I just know that (inbounds) play,” ani Westbrook na naglaro ng dalawang season sa Clippers.
Nagtala si Westbrook ng 15 points, 8 rebounds, 3 assists at 2 steals sa 1-0 lead ng Denver sa kanilang serye ng Los Angeles.
Humakot si Nikola Jokic ng 29 points, 12 assists at 9 rebounds para sa Nuggets habang may 25 at 21 markers sina Aaron Gordon at Jamal Murray, ayon sa pagkakasunod.
Pinamunuan ni Harden ang Clippers sa kanyang 32 points habang may 22 markers si Kawhi Leonard at nag-ambag si Ivica Zubac ng 21 points.
Bumangon ang Denver mula sa isang 15-point first-half deficit para itulak ang LA sa overtime.
Sa Los Angeles, nagsumite si Anthony Edwards ng 22 points, 9 assists at 8 rebounds sa 117-95 dominasyon ng Minnesota Timberwolves sa Lakers.
Kumamada si Luka Doncic ng 37 points sa panig ng Lakers habang may 19 markers si LeBron James.
Sa New York, humataw si Jalen Brunson ng 34 points habang iniskor ni Cam Payne ang 11 sa kanyang 14 points sa fourth quarter sa 123-112 paggupo ng Knicks sa Detroit Pistons.
Sa Indianapolis, kumolekta si Pascal Siakam ng 25 points at 7 rebounds at tumipa si Tyrese Haliburton ng 10 points at 12 assists sa 117-98 panalo ng Indiana Pacers sa Milwaukee Bucks.
- Latest