^

PSN Palaro

Eala tutok na sa Spain tournament

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala tutok na sa Spain tournament
Alexandra Eala of the Philippines reacts after winning a point against Iga Swiatek of Poland during their match on Day 9 of the Miami Open at the Hard Rock Stadium on March 26, 2025 in Miami Gardens, Florida.
Al Bello / Getty Images / AFP

MANILA, Philippines — Sesentro na ang atensiyon ni Alex Eala sa apat pang clay tournaments na bahagi ng preparasyon nito para sa 2025 French Open sa susunod na buwan sa Paris, France.

Maagang namaalam sa kontensiyon si Eala sa kanyang unang clay tournament sa Lisbon, Portugal.

Umani si Eala ng 7-6 (4), 6-4 kabiguan sa kamay ni Hungarian Panna Udvardy sa second round ng 2025 Oeiras Ladies Open singles event.

Hindi rin pinalad si Eala sa doubles kung saan kapares nito si American Katie Volynets.

Yumuko sina Eala at Volynets sa Round of 16 kontra kina American duo Christina Rosca at Carmen Corley.

“Thank you Lisbon. Not to be this week, next time maybe,” ayon sa post ni Eala sa kanyang social media.

Move on na agad si Eala dahil sunod itong sasalang sa WTA 1000 tournament sa Madrid, Spain na lalarga mula Abril 21.

Nakalinya pa kay Eala ang WTA 125 sa Vich, Spain sa Abril 28 hanggang Mayo 4, WTA 1000 sa Rome, Italy sa Mayo 5 hanggang 11, at sa WTA 125 sa Parma, Italy sa Mayo 12 hanggang 18.

Pinakamahalagang torneo nito sa clay season ang French Open na lalarga sa Mayo 25 hanggang Hunyo 8.

Ito ang unang pagkaka­taon na maglalaro si Eala sa main draw ng isang Grand Slam event matapos ang ilang bigong pagtatangka sa qualifying rounds.

Kasalukuyan itong nasa ika-72 sa live world ran­kings na inaasahang a­angat pa sa mga susunod na linggo.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with