^

PSN Palaro

Eala swak sa main draw ng Oeiras Ladies Open

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala swak sa main draw ng Oeiras Ladies Open
Alex Eala
STAR/File

MANILA, Philippines — Magarbong sinimulan ni Alex Eala ang ratsada nito upang makapasok sa Round-of-16 ng Oeiras Ladies Open na ginaganap sa Jamor Tennis Club sa Oeiras, Portugal.

Naitarak ng 19-anyos Pinay netter ang 6-3, 6-4 pa­nalo laban kay Anouk Koevermans ng Netherlands para masiguro ang ti­ket sa susunod na round.

Makailang ulit na natigil ang laro dahil sa matinding buhos ng ulan dahilan para masuspinde ito at ipagpaliban na lamang.

Lamang si Eala ng isang set ngunit nakabaon ito sa 2-4 sa second set nang suspendihin anhg la­ban

Subalit tila nanging blessing in disguise ang pag­kakaantala ng laro para makapagpahinga ito.

Sa pagbabalik aksiyon kinabukasan, sariwang sa­riwa na lumabas ng court si Eala kung saan sunud-sunod nitong pinakawalan ang matatalim na atake para makuha ang panalo.

Ito ang unang panalo ni Eala sa clay court sa season na ito at upang panalo bilang Top 100 player.

Kasalukuyan itong nasa ika-73 sa world ran­kings ng WTA.

Makakalaban ni Eala sa second round ang mananalo sa pagitan nina qua­lifier Lian Tran ng Ne­therlands at Panna Udvar­dy ng Hungary.

Sunod na sasabak si Eala sa doubles kung saan kapares nito si American Ka­tie Volynets.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with