Magic, Hawks patayan sa No. 7 spot sa East

ORLANDO — Sasagupain ni Paolo Banchero at ng Magic si Trae Young at ang Atlanta Hawks para pag-agawan ang No. 7 spot sa Eastern Conference playoffs sa pagdribol ng 2025 NBA play-in tournament ngayon.
Ito ang unang pagkakataon na maglalaro ang Orlando sa play-in game matapos itong ilunsad noong 2020, samantalang ito ang ikaapat na sunod na sasalang ang Atlanta.
Ang mananalo sa duwelo ng Magic (41-41) at Hawks (40-42) ang sasagupa sa second-ranked at defending champion Boston Celtics sa first-round playoffs.
Ang matatalo ang lalaban sa mananaig sa upakan ng Chicago at Miami.
May 2-2 record ang Orlando at Atlanta sa kanilang apat na beses na pagtutuos sa regular season.
Samantala, maghaharap ang Golden State Warriors at Memphis Grizzlies sa isa pang play-in game para sa No. 7 seat sa Western Conference playoffs. Ang mananaig ang lalaban sa No. 2 Houston Rockets sa opening round.
- Latest