POC natuwa sa pagkakasama ng boxing sa Los Angeles Olympics
MANILA, Philippines — Ibabalik ng International Olympic Commttee (IOC) ang boxing sa programa para sa 2028 Olympics sa Los Angeles.
At isa ang Pilipinas sa mga makikinaban rito, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.
“It’s expected because it’s a favorite sport played by all, it’s just a matter of time,” wika ni Tolentino kahapon.
Sa 2024 Paris Olympics ay sumuntok sina Pinay boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas ng tig-isang bronze medal.
Wala pang Pinoy na nakakasuntok ng gold medal sa Olympics kung saan ang pinakamalapit ay ang silver nina Petecio (2020), Carlo Paalam (2020), Mansueto ‘Onyok’ Velasco, Jr. (1996) at Anthony Villanueva (1964).
Ang IOC ang nag-organisa ng boxing tournament sa 2020 Tokyo Olympics at sa 2024 Paris Games.
Ito ay matapos magkaroon ng problema at kontrobersya ang Russian-led International Boxing Association sa kanilang liderato.
Sinuspinde ng IOC ang IBA noong 2019 at hindi isinama sa 2028 Olympics.
Noong Pebrero ay kinilala ng IOC ang bagong governing body na World Boxing bilang kapalit ng IBA.
“This is a very significant and important decision for Olympic boxing and takes the sport one step closer to being restored to the Olympic program,” ani World Boxing president Boris van der Vorst.
- Latest