Team Shaq wagi sa Team Chuck sa NBA All-Star Game

SAN FRANCISCO — Bumira sina Golden State Warriors star Stephen Curry at Jayson Tatum ng Boston Celtics ng pinagsamang 27 points sa 41-25 paggupo ng Team Shaq ni Shaquille O’Neal sa Team Chuck ni Charles Barkley sa 2025 NBA All-Star Game.
Umiskor si Curry ng 12 points tampok ang apat na three-pointers para sa Team Shaq at hinirang na Most Valuable Player habang may 15 markers si Tatum.
“It’s a celebration of a lot of great things -- to be able to play with these guys for as long as we have,” ani Curry na magdiriwang ng kanyang ika-37 kaarawan sa susunod na buwan.
“It’s our responsibility to come out and put on a show and I thank them for helping me do that,” dagdag nito sa kanyang mga teammates na sina Kevin Durant, Damian Lillard, James Harden, Jaylen Brown, Kyrie Irving, Anthony Davis at LeBron James na hindi naglaro dahil sa kanyang foot at ankle injury.
Naiiba ang NBA midseason classic ngayong taon dahil walang quarters, walang shot clock at ang unang tropang makakaiskor ng 40 points ang mananalo kumpara sa traditional East-West matchup.
Ang Team Chuck ay kinabibilangan nina Nikola Jokic, Shai Gilgeous-Alexander, Donovan Mitchell, Giannis Antetokounmpo, Victor Wembanyama, Pascal Siakam, Alperen ?engün, Karl-Anthony Towns at Trae Young.
Maliban sa Team Shaq at Team Chuck ay sumabak rin sa four-team mini-tournament ang mga koponan nina Kenny Smith at Candace Parker.
- Latest