Davison naging tinik sa lalamunan ng Creamline

MANILA, Philippines — Maganda ang naging resulta ng sakripisyo sa ensayo ng mga High Speed Hitters.
“We work hard in practice by ourselves like nobody really knows so I’m glad it was represented with this game,” ani Savi Davison matapos igiya ang PLDT Home Fibr sa 30-28, 25-21, 23-25, 18-25, 16-14 pagtakas sa nagdedepensang Creamline sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference noong Sabado sa Ynares Center sa Antipolo City.
Humataw ang Fil-Canadian hitter ng bagong career-high na 34 points mula sa 29 kills at limang blocks bukod sa 17 excellent receptions para tapusin ng High Speed Hitters ang 19-game winning streak ng Cool Smashers simula noong 2024 PVL Reinforced Conference.
“We were super focused from the start. We knew it was gonna be a hard game but we pulled through,” sabi ng 26-anyos na si Davison sa ikatlong sunod na ratsada ng PLDT.
Tangan ang 7-3 record ay inupuan nila ang fourth place tangan ang 20 points.
Ito ang unang kabiguan ng Creamline matapos magposte ng 9-0 kartada at nakasosyo ang Petro Gazz (9-1) sa liderato.
Bago gulatin ang Cool Smashers ay nagmula muna ang High Speed Hitters sa 25-20, 25-17, 25-19 panalo sa Farm Fresh Foxies (4-6) noong Pebrero 4.
“Like I said, it’s a team effort regardless of what I do, everyone showed up today,” sabi ni Davison.
Isasara ng PLDT ang kanilang first-round campaign sa pagsagupa sa ZUS Coffee (4-6) sa Pebrero 22 sa City of Passi Arena sa Iloilo City.
- Latest