^

PSN Palaro

Doncic maningning ang debut sa Lakers

Pilipino Star Ngayon
Doncic maningning ang debut sa Lakers
Pinanood na lang ng Jazz players ang paglipad ni Luka Doncic ng Lakers para sa kanyang layup.

LOS ANGELES — Nag­lista si Luka Doncic ng 14 points, 5 rebounds at 4 assists sa kanyang debut para sa Lakers sa kanilang 132-113 paggupo sa Utah Jazz.

Ito ang unang laro ng 25-anyos na si Doncic, na­hugot sa trade mula sa Dallas Mavericks kapalit ni Anthony Davis, matapos magkaroon ng calf strain sa Christmas Day game.

Nilimitahan siya sa 24 minuto at hindi na pinaglaro sa fourth quarter kung saan kontrolado na ng Los Angeles (32-19) ang laro.

Kumolekta si LeBron James ng 24 points, 8 assists at 7 rebounds at may 22 markers si Austin Reaves para sa kanilang ikaanim na sunod na ratsada.

Umiskor sina Lauri Markkanen at John Collins ng tig-17 points sa panig ng Utah (12-40) na nalasap ang pang-siyam na dikit na road loss.

Sa Dallas, bumira si DeMar DeRozan ng sea­son-high 42 points, kasama ang isang baseline floater sa huling dalawang segundo sa overtime, sa 129-128 pagtakas ng Sacramento Kings (27-26) sa Mavericks (28-26).

Sa Denver, umiskor si Nikola Jokic ng 40 points at may 26 markers si Christian Braun sa 146-117 pagmasaker ng Nuggets (35-19) sa Portland Trail Blazers (23-31).

Sa Milwaukee, nagposte si Stephen Curry ng season-high 38 points sa 125-111 panalo ng Golden State Warriors (27-26) sa Bucks (28-24).

Sa Miami, kumana si Jayson Tatum ng 33 points habang may 17 markers si Kristaps Porzingis sa 103-85 paggiba ng nagdedepensang Boston Celtics (38-16) sa Heat (25-26).

Sa Oklahoma City, nagtala si  Shai Gilgeous-Alexander ng 31 points sa 137-101 pagbugbog ng Thunder (43-9) sa New Orleans Pelicans (12-41).

Sa Washington, nag­sam­pay si Victor Wembanyama ng 31 points at 15 rebounds sa 131-121 pagdispatsa ng San Antonio Spurs (23-28) sa Wizards (9-44).

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with