^

PSN Palaro

Pablo, Van Sickle hataw sa Petro Gazz

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pablo, Van Sickle hataw sa Petro Gazz
Myla Pablo

MANILA, Philippines — Tinapos ni Myla Pablo ang first set sa pamamagitan ng isang service ace at isinara ni Brooke Van Sickle ang laro sa isa ring ace.

Humataw si Pablo ng 14 points mula sa 12 attacks, isang ace at isang block at may 13 markers si Van Sickle sa 25-19, 25-18, 25-9 demolisyon ng Petro Gazz sa Capital1 Solar E­nergy sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Nag-ambag ng pitong puntos si Remy Palma at may anim na marka si Fil-Am MJ Phillips para sa 8-1 kartada ng Gazz Angels tampok ang seven-game winning streak.

Lagapak ang Solar Spi­kers sa pang-anim na sunod na kamalasan para sa 1-9 marka.

“We know naman ang Capital1 grabe din ang intense ng game namin ngayon. Kudos din talaga sa mga coaches nila at mga players na lumaban sa amin kahit na medyo hirap din kami sa kanila,” ani Pablo.

Nagsumite si setter Djanel Cheng ng 13 excellent sets para sa opensa ng Petro Gazz habang may 12 excellent digs si libero Jelle Templatura para sa kanilang depensa.

Dahil dito ay hindi naka­porma ang Capital1 sa buong laro kung saan nakaiskor lamang si Heather Guino-o ng walong puntos habang may anim na marka si Des Clemente-De Guzman.

Matapos hatawin ang 2-0 bentahe sa laro ay inilista ng Gazz Angels ang malaking 11-2 kalamangan sa third set.

Napababa ito ng Solar Spikers sa anim na puntos sa likod nina Guino-o at Clemente-De Guzman.

Ngunit muling kumawala ang Petro Gazz tampok ang ace ni Van Sickle para isara ang laro sa 25-9.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with