^

PSN Palaro

Lillard sinandalan ng Bucks kontra sa 76ers

Pilipino Star Ngayon
Lillard sinandalan ng Bucks kontra sa 76ers
Nilusutan ni Damian Lillard ng Bucks ang mga 76ers defenders para sa kanyang layup.
STAR/ File

MILWAUKEE, Philippines —  Nagpa­sabog si guard Damian Lillard ng season-high 43 points bukod sa 8 assists at 7 rebounds para banderahan ang Bucks sa 135-127 pagsuwag sa Philadelphia 76ers.

Nag-ambag si Gary Trent Jr. ng season-high 23 points at humakot si Bobby Portis ng 18 points at 12 rebounds para sa ika­lawang panalo ng Milwaukee (28-23) sa huli ni­lang pitong laro.

Naglaro ang home team na wala si two-time MVP Giannis Anteto­kounmpo na may strained left calf.

Hindi rin siya makakala­ro hanggang sa All-Star break.

“When he’s not out there, I’ve got to assert myself and play a game that’s very familiar to me,” ani Lil­lard kay Antetokounmpo.

Tumipa si Kyle Kuzma, hinugot ng Bucks mula sa Washington Wizards kapalit ni Khris Middleton, ng 13 points, 8 rebounds at 5 assists.

Pinamunuan ni guard Tyrese Maxey ang Phila­del­phia (20-32) sa kanyang 39 points at nag-ambag sina Joel Embiid at Guer­schon Yabusele ng 27 at 18 markers, ayon sa pagka­kasunod.

Mula sa dikitang first half ay kumawala ang Bucks at nagtayo ng isang 25-point lead sa fourth quarter.

Sa Houston, umiskor si Dillon Brooks ng 19 points sa 94-87 paggupo ng Rockets (33-20) sa Toronto Raptors (16-37).

Sa Detroit, naglista si Cade Cunningham ng tri­ple-double na 19 points, 12 assists at 10 rebounds pa­ra gabayan ang Pistons (27-26) sa 112-102 pagpa­patumba sa Charlotte Hornets (13-37).

DAMIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with