^

PSN Palaro

PBA break muna para sa Gilas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PBA break muna para sa Gilas
Nasungalngal ni Ginebra guard Ste- phen Holt ang mukha ni Meralco forward Cliff Hodge sa Game Three ng kanilang quarterfinal series.
PBA Image

MANILA, Philippines — Pansamantalang ibibitin ang semifinals series ng Season 49 PBA Commissioner’s Cup dahil sa pag­sa­­bak ng Gilas Pilipinas sa 2nd In­ternatio­nal Friendly Basketball Championship sa Doha, Qatar.

Nakatakda ang nasabing torneo sa Pebrero 14 hanggang 16.

Nakumpleto ng No. 4 Barangay Ginebra at No. 6 Rain or Shine ang semifinal cast matapos sibakin ang No. 5 Meralco, 94-87, at ang No. 3 Converge, 112-103, ayon sa pagkaka­sunod, sa Game Three ng kanilang quarterfinal se­ries.

Lalabanan ng Gin Kings ang No. 1 NorthPort Ba­­tang Pier at sasagupain ng Elasto Painters ang No. 2 TNT Tropang Giga sa kani-kanilang best-of-se­­ven semifinals duel na mag­­sisimula sa Pebrero 26 sa Smart Araneta Coliseum.

Kaagad pinatalsik ng Batang Pier ang No. 8 Mag­nolia Hotshots, habang pinagbakasyon ng Tro­pang Giga ang guest team Eastern sa kanilang mga quarterfinal matches.

Nagbitbit ang NorthPort at TNT ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa Mag­no­lia at Eastern.

Ilang players ng Ginebra at TNT ang kasama sa Gi­­las.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with