Groseclose may tsansa sa medalya sa 2024 Asian Winter Games
HARBIN, China - Nangako si speed skater Peter Joseph Groseclose na gagawin ang lahat para makamit ang kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa Asian Winter Games.
Pasok ang 17-anyos na si Groseclose sa semifinals ng 1500 meters at sa quarterfinals ng 500m sa men’s short track speed skating at sa 1000m ng pang-siyam na edisyon ng Asian Winter Games sa Harbin, China.
“I’m excited to have started my Asian Winter Games campaign on such a strong note, advancing through the semifinals and quarterfinals in all events,’’ wika ng Winter Youth Olympian.
Pumangalawa si Groseclose una sa walong heats sa 500m matapos magsumite ng 42.562 segundo sa likod ni South Korea nbet Sungwoo Jang (42.258) para makapasok sa quarterfinals.
Pumang-apat siya sa heat 6 sa quarterfinals ng 1500m sa kanyang oras na 2:19.31 at pumangalawa sa heat 8 ng 1000m sa tiyempo niyang 1:29.63.
“It gives me great confidence and motivation as I continue to compete and strive for success in the upcoming races,’’ ani Groseclose.
May pag-asa rin sa medalya sina Pinoy curlers Marc Pfister at Kathleen Dubberstein.
Ito ay bagama’t natalo sina Pfister at Dubberstein sa mixed double semifinals kina Japanese Aoki Go at Koana Tori, 3-10.
- Latest