Ika-18 sunod hinataw ng Cool Smashers
MANILA, Philippines — Humataw si middle blocker Bea De Leon na naglista ng 13 points mula sa walong attacks, dalawang blocks at tatlong aces sa 25-17, 25-17, 25-21 sweep ng nagdedepensang Creamline sa Chery Tiggo sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Muling sinolo ng Cool Smashers ang liderato sa kanilang 8-0 record para sa kabuuang ika-18 sunod na ratsada sapul noong 2024-25 PVL All-Filipino Conference.
Mapapantayan ng tropa ni coach Sherwin Meneses ang kanilang 19-game winning streak simula noong 2023 hanggang 2024 kung mananalo sa Farm Fresh Foxies (4-5) sa Pebrero 11.
“Siguro same lang nu’ng every game na pakiramdam namin kasi hindi naman namin tine-take advantage kung 8-0 ka. Basta kami one game at a time lang kami, iyon lang ang inisip namin,” ani Meneses.
Nag-ambag si Jema Galanza ng siyam na puntos at may tig-walo at pitong marka sina Tots Carlos, Pangs Panaga at Alyssa Valdez, ayon sa pagkakasunod.
Nahulog ang Crossovers sa ikalawang sunod na kamalasan para sa 5-5 marka.
- Latest