^

PSN Palaro

TNT players naniwala sa sistema ni Reyes

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT players naniwala sa sistema ni Reyes
Niyakap ni TNT Tropang Giga coach Chot Reyes si Barangay Ginebra guard LA Tenorio matapos ang kanilang PBA championship series.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay mu­ling tinalo ng TNT Tropang Giga ang karibal na Barangay Ginebra sa PBA Governors’ Cup Finals.

Kagaya sa Season 48 noong nakaraang taon, isinara rin ng Tropang Giga sa 4-2 ang kanilang best-of-seven championship series ng Gin Kings.

“It took a lot of belief from top to bottom, belie­ving we can do it, trusting in our process. And everything, all the work we put in, paid off,” ani Best Import Rondae Hollis-Jefferson na umiskor ng 31 points sa 95-85 pagsibak ng TNT sa Ginebra sa Game Six ng Season 49 Governors’ Cup Finals noong Biyernes sa harap ng 14,668 fans sa Smart Araneta Coliseum.

Kinuha ng Tropang Giga ang Game One, 104-88, at Game Two, 96-84, bago inagaw ng Gin Kings ang Game Three, 85-73, at Game Four, 106-92, para itabla sa 2-2 ang kanilang serye.

Nakabalik ang PLDT franchise sa Game Five, 99-72, para dumikit sa korona.

Bukod sa matagum­pay na pagdedepensa sa kanilang Governors’ Cup crown ay nakamit din ng TNT ang pang-10 titulo.

“I would like to give credit to coach Tim and the entire Ginebra team. It’s a hell of a series, especially this last game, Game 6,” ani Tropang Giga coach Chot Reyes sa Gin Kings ni mentor Tim Cone.

Kinailangan ng TNT na makabangon mula sa isang 11-point deficit sa third period matapos magpaputok ng 18 sa kanyang career-high 31 points si Ginebra rookie RJ Abarrientos.

“Chot said we didn’t come this far just to come this far and we got the championship,” wika ni Hollis-Jefferson na humugot ng 10 points sa krusyal na fourth period.

Marami namang na­tu­tunan si Abarrientos, hinirang na Rookie of the Year sa Korean Basketball League (KBL), sa kanyang PBA Finals debut para sa Gin Kings.

“Nakakadagdag ng gutom, so konting pahinga lang, then back to work ulit. Marami pa akong kaila­ngang matutunan at gawin para maging good player para sa Ginebra,” sabi ng pamangkin ni PBA le­gend Johnny Abarrientos.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with