^

PSN Palaro

Pasaol dinugtungan ang pag-asa ng Tamaraws

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Pasaol dinugtungan ang pag-asa ng Tamaraws
Janrey Pasaol
UAAP

MANILA, Philippines — Pinalakas ni Janrey Pasaol ang pag-asa ng Far Eastern University sa asam nilang makapasok sa semifinals matapos payukuin ang Ateneo de Manila University, 65-54 kahapon sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum.

Tumikada si Pasaol ng career-high 14 points, pitong rebounds, anim na assists, at dalawang steals para sa FEU na may 5-8 karta at humihinga pa sa asam na magic four.

“Pasalamat ako kay coach Sean kasi galing ako ng juniors, si coach Sean kinakausap niya si coach Allan (Albano) about sa disiplina namin sa mga simpleng box out. Doon ko pa rin ini-earn ‘yung minutes ko para sa kanya kasi every missed box out, labas ako kaagad sa kanya eh,” ani Pasaol.

Mag-isa sa tuktok ng team standings ang defen­ding champions De La Salle University na may 11-1 record, nasa pa­ngalawa ang University of the Philippines na tangan ang 9-2 card, pangatlo ang University of the East, (6-5) at pang-apat ang University of Sto. Tomas (5-7).

Huling laro ng Tamaraws  ang Fighting Maroons sa susunod na Sabado sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.

“I’m so proud of these guys. Last game, I’ve been pretty tough on them in practice… and their res­ponse has been amazing. They are just so good kids, they’re disciplined and they want to win,”  ani FEU head coach Chambers.

Makakalaban ng Blue Eagles ang UE sa Miyer­kules sa UST Quadricentennial Pavilion.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with