^

PSN Palaro

Natutunan kay coach Mune, ibabahagi ni Yulo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Natutunan kay coach Mune, ibabahagi ni Yulo
Munehiro Kugimiya (left( served as the longtime mentor of Carlos Yulo since 2013, molding the then Filipino prodigy to a world-class bet that resulted in his unparalleled success in Paris with golds in floor exercise and vault of the men’s artistic gymnastics.
Facebook / Munehiro Kugiyama

MANILA, Philippines — Saludo si Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo kay Japanese coach Munehiro Kugimiya dahil malaki ang nai-ambag nito kung nasaan man ito ngayon.

At hangad ni Yulo na makatulong sa iba pang gymnasts na nais masundan ang kanyang yapak.

Target nitong maibahagi ang magagandang aral na natutunan nito noong hawak pa ito ni Kugimiya.

Matatandaang si Ku­gimiya ang humubog kay Yulo upang maging isang ganap itong world champion noong 2019 kung saan nasungkit nito ang kanyang unang world title matapos pagharian ang men’s floor exercise sa World Championships.

Subalit naputol ang ugnayan nina Yulo at Kugimiya noong nakaraang taon dahil sa mga personal na issues.

Sa kabila ng paghihiwalay ng landas ng dalawa, dala pa rin ni Yulo ang mga lessons na natutunan nito kay Kugimiya.

“I think what I learned from him is the dedication to my work, which has made me someone who keeps on trying, to not be afraid and give up to achieve what you want in life,” ani Yulo.

At ito ang mga nais nitong maibahagi sa mga kapwa gymnasts nito at sa mga kabataang nais maging tulad niya na isang world-class athlete.

“When you work hard, you give your time, you give your dedication, you give your heart, even if you don’t achieve what you want in life, you could still achieve something greater,” dagdag nito.

Malaki ang pasasalamat ni Yulo kay Kugimiya.

Nakatakdang bisitahin ni Yulo si Kugimiya sa Japan gayundin ang Teik­yo University kung saan ito nag-aral habang nasa T­okyo ito bilang scholar.

“That could be k­nowing yourself more in your journey, giving more importance to training and to the people around you, to the people who help you in achieving your dreams. I believe that this is one of the things that I would like to share with other people that I’ve experienced with coach Mune,” ani Yulo.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with