^

PSN Palaro

Import-less Batang Pier nakuryente sa Bolts

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Import-less Batang Pier nakuryente sa Bolts
Isinakay sa stretcher si NorthPort import Venky Jois matapos magkaroon ng ankle injury sa first period kontra sa Meralco.
PBA Image

MANILA, Philippines —Sinamantala ng Meralco ang pagkawala ni NorthPort import Venky Jois sa first quarter para umabante sa crossover quarterfinals ng PBA Season 49 Go­vernors’ Cup.

Kumamada si import Allen Durham ng 23 points, habang may 20 markers si Chris Newsome para ga­ba­yan ang Bolts sa 114-104 pagkuryente sa Batang Pier kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Inilista ng Meralco ang 6-2 record kasabay ng paghuhulog sa NorthPort sa 3-5 kartada.

“We need to play a lot better basketball, especially going into this playoffs. The basketball here is kinda gets into another level, especially defensively,” ani Chris Banchero na nag-ambag ng 19 points.

Nauna nang tinalo ng Bolts ang Batang Pier sa first round, 109-99, noong Setyembre 1.

Nagkaroon si Jois ng right ankle injury sa 3:17 minuto ng first period at hindi na nakabalik para sa NorthPort na nakahugot kay Arvin Tolentino ng game-high 28 points.

Inilista ng Meralco ang 14-point lead sa third quarter bago ito isinuko sa fourth period.

Nakadikit ang Batang Pier sa 97-105 sa huling apat na minuto ng bakbakan.

Ang triple ni Banchero ang nagsindi sa maikling 7-3 atake ng Bolts para muling kunin ang 112-100 kalamangan sa huling dalawang minuto ng laro.

Nagdagdag sina rookie CJ Cansino at Brandon Bates ng tig-12 points at may 10 markers si Anjo Caram para sa Meralco.

May ambag na 17 markers naman si Joshua Munzon sa panig ng NorthPort.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with