^

PSN Palaro

Cignal-Creamline sa PVL finale

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Cignal-Creamline sa PVL finale
Giniba ni Vanie Gandler ng Cignal ang depensa ng Kurashiki.
PVL photo

MANILA, Philippines — Pinabagsak ng Cignal HD ang dating reynang Kurashiki, 25-23, 19-25, 25-23, 22-25, 15-11, papasok sa finals ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Lalabanan ng HD Spi­kers ang Creamline Cool Smashers sa one-game finals ngayong alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pumalo si Venezuelan import MJ Perez ng 36 points mula sa 34 attacks, isang block at isang ace para sa Cignal na third placer sa nakaraang PVL Reinforced Conference.

“Ito na iyong chance na­min na makakuha ng title, so iga-grab na talaga namin,” ani HD Spikers libero Dawn Macandili-Catindig na naglista ng 27 excellent digs.

Nagdagdag si Ces Molina ng 13 markers at may tig-10 points sina Jackie Acuna at Riri Meneses.

Pag-aagawan ng Ablaze at EST Cola ng Thailand ang third place sa alas-4 ng hapon.

Samantala, bumira si Alas Pilipinas member Jema Galanza ng 13 points mula sa 11 attacks at dalawang blocks para igiya ang Creamline sa 25-15, 25-13, 25-19 pagsibak sa Farm Fresh.

“Sobrang happy na makakapaglaro ulit para sa Creamline Cool Sma­shers,” pahayag ng two-time PVL MVP na hindi nakalaro sa 2024 PVL Reinforced Conference na pinagreynahan ng Cool Smashers.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with