^

PSN Palaro

Altas sinuwag ang Heavy Bombers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Altas sinuwag ang Heavy Bombers
Nailusot ni JP Boral ng Perpetual ang kanyang tira laban kay Justin Lozano ng Jose Rizal sa NCAA.

MANILA, Philippines — Panalo kaagad ang ibinigay ng University of Perpetual Help System DALTA para kay coach Olsen Racela.

Humakot si big man JP Boral ng 17 points at 10 rebounds at may 15 markers si rookie Mark Gojo Cruz sa 82-66 pagsuwag ng Altas sa Jose Rizal Heavy Bombers sa NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

“Of course I’m happy with the win, my first win this season pero it’s part of our growth as a team,” sabi ni Racela na nakahugot kay Christian Pagaran ng 11 points.

“We’re learning. We’re still adjusting sa isa’t-isa, sa system, sila sa akin, ako sa kanila, and ako sa liga,” dagdag pa ng 53-anyos na nine-time PBA champion guard.

Matapos magtabla sa halftime, 41-41, ay kumawala ang Perpetual sa third period para kunin ang 48-41 abante patungo sa 64-56 pag-iwan sa Jose Rizal.

Ang magkasunod na tirada ni Gojo Cruz ang nagpadyak sa 75-69 lead ng Altas bago tuluyang tabunan ang Heavy Bom­bers sa 80-60 sa huling 1:57 minuto ng fourth quarter.

Sa ikalawang laro, iti­nakas ng St. Benilde Bla­zers (2-0) ang 70-65 overtime win kontra sa nagdedepensang San Beda Red Lions (1-1).

Nagtuwang sina Jho­mel Ancheta at Tony Inot sa extra period para sa panalo ng Blazers sa Red Lions.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with