SEAG volley gold abot-kamay na
MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na masungkit ng Pilipinas ang gintong medalya sa volleyball competition sa 2025 Southeast Asian Games na idaraos sa Bangkok, Thailand.
Base sa obserbasyon ni Philippine National Volleyball Federation at Asian Volleyball Confederation Tats Suzara, umaangat na ang volleyball sa bansa.
“We need to improve, improve, improve,” ani Suzara sa PSA Forum sa Rizal Memorial Sports Complex.
Kasalukuyang nasa ika-56 puwesto sa world rankings ang men’s team habang ika-63 naman ang women’s team squad.
“I want them to go up higher in the rankings like what Gilas Pilipinas is doing,” ani Suzara.
Kailangan lamang ng tamang exposure upang magtuluy-tuloy ang pagganda ng laro ng Alas Pilipinas — sa men’s division at women’s division.
“Our national teams need 30 international matches a year. And we will do this. Kung maaari lang na one year wala sila dito we will do that though it’s expensive,” dagdag ni Suzara sa Forum na presinta ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Smart/PLDT at ang 24/7 sports app Arena Plus.
Kung magagawa ito, malaki ang tsansa ng Alas Pilipinas na lumaban para sa ginto sa Thailand Games.
“There is a chance to get the gold next year. Tinatalo na natin ang Vietnam and Indonesia. That’s why I have a very good forecast for the next SEA Games. Medyo takot na sila (opposition) sa atin. I’m really optimistic sa men’s and women’s team natin,” ani Suzara.
Nakaharang sa daan ng Pilipinas ang matitikas na koponan ng Thailand, Vietnam at Indonesia na siyang madalas na nasa Top 3 sa SEA Games.
- Latest