Amit sasalang sa 2 major events
MANILA, Philippines — Nasa alapaap pa si Rubilen Amit matapos matamis na pagreynahan ang 2024 WPA Women World 9-Ball Championship sa New Zealand.
Subalit walang balak tumigil si Amit sa pagbibigay ng karangalan sa bansa dahil nakalinya pa ang ilang malalaking torneong lalahukan nito.
Sa katunayan, mula sa New Zealand ay agad itong tutulak sa Shanghai, China para sa 2024 WPA 9-Ball China Open na gaganapin sa Setyembre 14 hanggang 22 sa Pudong Tangzhen Culture and Sports Center.
Nakakataya ang tumataginting na $165,600 kabuuang papremyo sa naturang torneo.
Matapos ang China Open, saka lamang babalik si Amit sa Maynila para i-celebrate ang kaniyang tagumpay sa World 9-Ball Championship kasama ang mga kababayan nito.
“From here, there’s a Chi na Open in Shanghai, China and then I go back home,” ani Amit.
Maliban sa China Open, nakatakdang tumulak si Amit sa Taiwan para makapagsanay doon.
“I might go to Taiwanto maybe play a bit and train with them,” ani Amit.
Ilang events din ang dadaluhan nito sa mga probinsya sa Pilipinas kung saan makakalaban nito ang ilang matitikas na male cue masters sa bansa.
“There’s another tournament in the province in the Philippines but that’s against men players that’s for experience to learn from them,” dagdag pa ni Amit.
Hahataw din si Amit sa 2024 World 10-Ball Championships sa Nobyembre sa Puerto Rico kung saan pakay ni Amit na maibalik sa kaniyang palad ang kampeonato.
- Latest