Cone ok sa bagong PBA format
MANILA, Philippines — Aminado si Barangay Ginebra coach Tim Cone na challenging ang bagong format ng PBA na kasalukuyang ipinatutupad sa PBA Season 49 Governors’ Cup.
Dating round robin format ang eliminasyon kung saan ang walong mangungunang koponan ang aabante sa quarterfinals.
Sa taong ito, hinati sa dalawang grupo ang mga teams kung saan dalawang beses na makakalaban ng bawat koponan ang kasama nito sa grupo.
Ang apat na mangungunang koponan sa group stage ang papasok sa crossover quarterfinals habang ang apat na matitira matapos ang quarterfinals ang papasok naman sa best-of-five semifinals.
Gaya ng dati, ang dalawang teams na mangunguna sa semis ang aabante sa best-of-seven title series.
“This is the first time in many years we play somebody twice in the eliminations. This is really a different feel for us. We never felt this before because usually it’s one and done and just play them in the playoffs,” ani Cone.
Nais ni Cone na mas maging agresibo pa ang Gin Kings sa second round ng group stage upang mapalakas ang tsansa nito sa quarterfinals.
“Obviously it’s a big game for both of us to open the second round,” ani Cone.
- Latest