^

PSN Palaro

Pagdanganan umangat sa world rankings

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pagdanganan umangat sa world rankings
Philippines' Bianca Isabel Pagdanganan competes in round 1 of the women’s golf individual stroke play of the Paris 2024 Olympic Games at Le Golf National in Guyancourt, south-west of Paris on August 7, 2024.
AFP / Pierre-Philippe Marcou

MANILA, Philippines — Matapos ang tagum­pay na kampanya sa Paris Olympics, umangat sa world rankings si Bianca Pagdanganan base sa inilabas na bagong listahan.

Mula sa ika-121 puwesto, sumulong si Pagdanganan sa ika-106 posisyon matapos ang ratsada nito sa Paris Games.

Nakalikom si Pagda­nganan ng 49.07 points at 1.12 average points sa 44 events na sinalihan nito sa taong ito.

Ito ang pinakamataas na puwestong nakamit ni Pagdanganan sa kanyang career.

Una na itong tumapos sa ika-113 posisyon matapos ang KPMG Women’s PGA Championship sa Amerika.

Nagtapos sa ikapaat na puwesto si Pagdanganan sa Paris Olympics na pinagreynahan ni Lydia Ko ng New Zealand.

“It’s been such a great Olympic experience,” ani Pagdanganan.

Nasa ika-232 naman si Paris Olympics veteran Do­ttie Ardina na mas maganda mula sa kanyang dating puwesto na 262.

Hawak ni Tokyo Olympics gold medalist Nelly Korda ng Amerika ang u­nang puwesto sa world ranking habang nasa ikalawa ang isa pang Amerikana na si Lilia Vu.

Okupado naman ni Amy Yang ng South Korea ang ikatlong posisyon.

vuukle comment

BIANCA PAGDANGANAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with