^

PSN Palaro

Heroes’ parade ngayon para sa Team Philippines

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Heroes� parade ngayon para sa Team Philippines
Olympic gold medalist Carlos Yulo and other Filipino Olympians arrive at the Maharlika Airbase in Villamor, Pasay on August 13, 2024.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Isang mainit na heroes’ parade ang ilalatag nga­yong araw para sa Team Philippines na matagum­pay na nakapag-uwi ng medalya mula sa 2024 Paris Olympics.

Isasara ang ilang bahagi ng kalsada sa Maynila na magsisilbing venue ng parada.

Magsisimula ang pa­rada sa Aliw Theater sa Maynila kung saan babaybayin nito ang Roxas Boulevard.

Liliko ang parada sa Padre Burgos Avenue patungong Taf Avenue.

Mula sa Talf Avenue, kakanan ang parada sa Quirino Avenue patungong Adriatico Street kung saan matatapos ang parada sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz.

Mangunguna sa parada si gymnast Carlos Edriel Yulo na humakot ng dalawang gintong medalya sa Paris Games.

Kasama nito sina bo­xers Nesthy Petecio at Aira Villegas na kapwa sumuntok ng tansong medalya sa kani-kanyang dibisyon.

Dumating na kagabi ang Team Philippines.

Mula sa Paris, sumakay ang delegasyon sa Emi­rates flight patungong Du­bai para sa maikling stopover doon.

Mula Dubai, ang Philippine Airlines na ang nagdala sa Team Philippines sa Maynila.

Nagkaroon pa ng stopover ang PAL sa Bangkok para mag-refuel bago tumulak sa Villamor Airbase kung saan lumapag ang Team Philippines.

Mula sa Villamor Airbase, nagtungo ang Team Philippines sa Malacañang Palace para sa mainit na pagsalubong sa mga atletang Pinoy.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with