Alas Pilipinas Men kakasa sa Southeast Asian Volleyball League
MANILA, Philippines — Matapos ang Alas Pilipinas women’s team ay ang men’s squad naman ang sasabak sa two-leg 2024 Southeast Asian Volleyball League (SEA V.League) tournament.
Babanderahan nina Bryan Bagunas at two-time UAAP MVP Josh Ybañez ang 14-man roster para sa nasabing regional meet na nilahukan ng mga Pinay spikers kamakailan.
Humataw ang Alas Pilipinas Womens ng tig-isang bronze medal sa SEA V.League Leg 1 at Leg 2 na idinaos sa Vietnam at Thailand.
Gagawin ang SEA V.League Leg 1 ng men’s division sa Agosto 16 hanggang 18 sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila habang ang Leg 2 ay idaraos sa Vietnam sa huling linggo ng buwan.
Ang 70-anyos na si Italian head coach Angiolino Frigoni ang hahawak sa mga Pinoy hitters na lalabanan sa torneo ang mga Asian powerhouses na Vietnam, Indonesia at Thailand.
Si Frigoni ay isang two-time Olympian at naging coach ng Italian women’s team noong 1992 Barcelona at 2000 Sydney Games.
Inirekomenda siya ng FIVB sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) noong 2023.
- Latest