^

PSN Palaro

Ika-5 sunod na Olympic gold ng Team USA

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ika-5 sunod na Olympic gold ng Team USA
Ibinida ni LeBron James ang kanyang gold medal matapos maghari ang Team USA sa Paris Olympics. Siya rin ang nahirang na Most Valuable Player.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Tuluyan nang inangkin ng Team USA ang kanilang pang-limang sunod na gold medal sa Olympic Games matapos pabagsakin ang host France, 98-87, sa finals ng 2024 Paris Olympics dito sa Bercy Arena.

Ito ang ikalawang dikit na panalo ng mga Americans sa mga Frenchmen para sa Olympic gold matapos noong 2021 Tokyo Games.

Umiskor si Stephen Curry ng 24 points tampok ang walong tres habang humakot si LeBron James ng 14 points, 10 assists, 6 rebounds, 2 steals at block para sa kabuuang ika-17 Olympic gold ng Team USA.

Nagdagdag sina Kevin Durant at Devin Booker ng tig-15 points para sa tropa ni coach Steve Kerr.

Nakamit ni Durant ang kanyang US men’s record na ikaapat na Olympic gold at may tatlo ang 39-anyos na si James.

Pinamunuan ni NBA Rookie of the Year Victor Wembanyama ang France sa kanyang 26 points.

Samantala, inangkin ng Serbia ang bronze matapos ang 93-83 paggupo sa FIBA World Cup champions Germany.

vuukle comment

CURRY

JAMES

USA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with