^

PSN Palaro

9 teams bardagulan sa MPVA

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Siyam na determinadong koponan ang magbabanatan sa bagong season ng Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) na magsimula sa Linggo sa Strike Gym sa Bacoor City.

Idedepensa ng Bacoor Strikers ang ang kanilang korona matapos nilang masungkit ang kampeonato sa inaugural season noong Disyembre.

Maliban sa Bacoor, papalo ng bola sa MPVA ang second-placer na Negros at third-placer na Marikina kasama ang mga nagbabalik na teams na Biñan, Rizal, San Juan at Caloocan.

Paparada ang bagong teams na Quezon Province at Valenzuela habang wala muna ngayong season ang Nasipit mula sa Agusan del Norte matapos ang kanilang paglahok sa inaugural season.

Masisilayan din ang dating pro volleyball pla­yers, varsity athletes at tatlong homegrown players mula sa kani-kanilang mga ba­yan.

Maghahatawan sa double-round eliminations ang lahat ng koponan kumpara sa single round lang sa inaugural season tampok ang Top 4 teams na makakapasok sa semifinals.

Makakasilo ng twice-to-beat incentives ang Top 2 teams pagdating sa Final Four.

vuukle comment

MAHARLIKA PILIPINAS VOLLEYBALL ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with