^

PSN Palaro

Villegas tatarget pa rin ng gold

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Villegas tatarget pa rin ng gold
Nag-heart sign si Aira Villegas matapos ang kanyang laban sa Paris Olympics.
One Sports/Cignal

Matapos matalo kay Cakiroglu sa semis

PARIS — Nagtapos ang kampanya ni Aira Villegas sa 2024 Olympics sa semifinals.

Walang gold, walang silver, ngunit ibinigay niya ang lahat bilang bahagi ng makasaysayang laban ng Team Philippines at ang kanyang bronze ay dapat ipagdiwang at tingalain ng susunod na henerasyon ng mga Filipino Olympic medal hopefuls.

Bigo si Villegas kay Turkish fighter Buse Naz Cakiroglu, isang dating world champion at Tokyo Games silver winner, via unanimous decision, 0-5, sa Court Philippe Chatrier sa loob ng Roland Garros.

“Talagang maga­ling, mas technical,” sabi ni Villegas kay Cakiroglu na tumalo rin sa kanya sa quarterfinals ng 2022 World Championship.

Nakuntento si Villegas sa bronze, ngunit nangakong babawi sa mga susunod na torneong sasalihan.

“Siyempre po sa future trabaho pa rin. Hindi natatapos dito ang lahat,” wika ng tubong Tacloban, Leyte.

Ang boxing ang ‘bread and butter’ ni Villegas kung saan ang natatanggap niyang monthly allowance at incentives ang tumutulong sa kanyang pamilya sa mga gastusin araw-araw.

Nakatulong din ito nang tumama ang bagyong ‘Yolanda’ sa Tacloban noong 2013.

“Wala ako sa Tacloban noon, wasak ang bahay namin,” wika ni Villegas na nasa training camp na ng ABAP (Alliance of Boxing Association of the Philippines) matapos madiskubre sa Philippine National Games.

Sa edad na 29-anyos ay pangarap pa rin ni Villegas na makasuntok ng Olympic gold kasabay ng kanyang pag-aaral ng criminology course sa University of Baguio.

Naniniwala si national coach Reynaldo Galido na si Villegas ang tunay na nanalo sa kanilang upakan ni Cakiroglu.

“Tinamaan ni Aira ng right straight, knockdown iyon. Kung binilangan, puwedeng maging 3-2 at puwedeng nagbago ang laban sa third round.

Puwedeng maging agrisibo iyong Turkish at may tsansa si Aira kung nag-engage,” ani Galido.

Si Villegas ang binigyan ng standing eight count ng referee sa opening round. “Mahinang tama lang, hindi ko nga naramdamam,” sabi ni Villegas.

Si Villegas ang pinakabagong nagbigay ng Olympic boxing medal sa bansa para makasama sina Jose Villanueva (1932), Anthony Villanueva (1964), Leo­poldo Serantes (1988), Roel Velasco (1992), Onyok Velasco (1996), Nesthy Petecio (2020), Carlo Paalam (2020) at Eumir Marcial (2020).

vuukle comment

AIRA VILLEGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with