^

PSN Palaro

Hidilyn susuporta sa Pinoy athletes

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dumating na si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz sa Paris upang suportahan ang mga nalalabing Pinoy athletes sa 2024 Olympic Games.

Nagpost sa social media si boxer Hergie Bacyadan kasama si Diaz at iba pang atleta gaya ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial.

Inaasahang magkikita rin sina Diaz at gymnast Carlos Edriel Yulo na sariwa pa sa matamis na pagkopo ng dalawang gintong medalya para sa Team Philippines.

Nasa Paris si Diaz bilang bahagi ng opisyales ng International Weightlifting Federation (IWF) Athletes’ Commission kung saan miyembro ito ng executive board.

Kabilang sa mga babantayan ni Diaz ang mga katropa nito sa weightlifting na sina John Ceniza, Elreen Ando at Vanessa Sarno.

Nakatakdang sumalang ngayong araw si Ando sa women’s 59kg class sa South Paris Arena 6.

Nakatakda ang laban ni Ando sa alas-9 ng gabi (oras sa Maynila).

Pakay ni Ando na malampasan ang kanyang se­venth-place finish noong Tokyo Olympics sa wo­men’s 64kg class.

Mapapalaban ng husto si Ando kontra sa mga paboritong lifters na sina Luo Shifang ng China, Kamila Konotop ng Ukraine at Maude Charron ng Canada.

May 228kg personal best si Ando. Malayo ito sa 248kg ni Luo, 236kg ni Konotop at 236kg ni Charron.

Kailangan ni Ando ng 237kg o higit pa para makapasok sa podium.

Kasama rin sa mga lalaban sa dibisyon ni Ando sina defending champion Kuo Hsing-Chun ng Chinese-Taipei at Yenny Alvarez ng Colombia.

vuukle comment

TOKYO OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with