^

PSN Palaro

Ginto pakay ni Ceniza

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Ginto pakay ni Ceniza
John Ceniza

PARIS — Sa huling limang araw ng 2024 Olympics ay papagitna ang mga weightlifters na sisimulan ni 61kg bet John Febuar Ceniza para sa three-strong Philippine team ngayon dito sa South Paris Arena.

Aakyat si Elreen Ando sa entablado para sa women’s 59kg competition bukas kasunod si Vanessa Sarno sa women’s 71kg sa Biyernes.

Kagaya ng mga natitirang Philippine bets na sasabak sa aksyon, inspirado ang tatlong weightlifters sa makasaysayang ginawa ni gymnast two-gold winner Carlos Yulo.

Magiging inspirasyon din nila si Tokyo gold winner Hidilyn Diaz.

Magkakasabay na nag-almusal ang mga weightlifters kasama sina Yulo at boxer Aira Villegas makaraan ang pagkopo ni Yulo sa una niyang gold.

Umaasa silang makakakuha rin ng medalya sa weightlifting hall.

Si Samahanag Weightlif­ting ng Pilipinas president Monico Puen­tevella kasama ang mga lifters at si Caloy Yulo sa isang almusal.

Hindi nangangako sina Ceniza, Ando at Sarno, ngunit ibibigay nila ang lahat para manalo.

“Mahirap ang laban, at lalaban lang ng todo ang mga bata,” wika ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella.

“We’ll never predict, we’ll just give it to the Lord, and the Lord will do the rest,” dagdag nito.

Matinding laban ang haharapin ng tatlong Pinoy lifters.

Si Ceniza ay No. 4 katabla si Indonesian Eko Irawan at makakatapat nila sina top seed Li Fabin ng China, No. 2 Morris Hampton Miller ng US at No. 3 Sergio Massidda ng Italy.

Ang iba pa ay sina Kaimauri Erati ng Kirabati, Ivan Petkov Dimov ng Bulgaria, Theerapong Silachai ng Thailand, Mohamad Aniq Bin Kasdan ng Malaysia, Van Vinh Trinh ng Vietnam at Morea Baru ng Papua New Guinea.

Samantala, sasabak na rin sa aksyon ang mga golfers na sina Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina sa kani-kanilang event.

Kasama ni Pagdanga­nan sa grupo sina Azahara Munoz ng Spain at Morgane Metraux ng Switzerland.

Kasama naman ni Ardina ang Finnish bet na si Noora Komulainen at Norwegian Madele Stavnar kung saan lalaro rin si Yuka Saso sa kanyang ikala­wang Olympics, ngunit bitbit ang bandila ng Japan.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with