^

PSN Palaro

I’m really sorry — Obiena

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
I�m really sorry � Obiena
EJ Obiena

MANILA, Philippines — Bigo si world No. 2 EJ Obiena na makasungkit ng medalya sa men’s pole vault ng 2024 Paris Olympics na ginanap kahapon sa Stade de France.

Nasa ikaapat na puwesto si Obiena matapos mabigong makuha ang 5.95 metro sa final attempt nito para magkasya sa ikaapat na puwesto tangan ang 5.90m metro.

Parehong 5.90 metro ang nakuha ni Emmanouil Karalis ng Greece.

Subalit ibinigay kay Karalis ang tanso via countback.

Gayunpaman, magandang pagtatapos pa rin ito kay Obiena na nasa ika-11 lamang noong Tokyo Olympics.

Masakit para kay Obiena ang nangyari dahil ilang taon niya itong pinaghandaan.

“It’s painful. I missed a medal by one jump and it wasn’t far on all my attempts at 5.95m,” ani O­biena.

Humingi ng sorry si O­biena sa buong samba­yanan na umaasang ma­kapag-uuwi ito ng medalya.

“I apologize. I promised I’m gonna go back after Tokyo and do better. I did but it didn’t change in my book. I still came up short. I’m really sorry. I apologize for it,” dagdag ni Obiena.

Pakay sana ni Obiena na makasikwat ng medalya sa unang pagkakataon sapul noong 1936 Olympics kung saan huling nakasiguro ng medalya ang athletics team.

Galing ito kay Miguel White na nakatanso sa men’s 400 meter hurdles sa 1936 Berlin Games.

Bago pa man ang Olympics, inamin na ni O­biena na may mga problema na ito sa pisikal na aspeto.

“There’s a lot of things that happened this year. I’m thankful I got to the final, definitely but at the same time, I’m disappointed because it wasn’t far. It’s like literally the same height and I missed it by one attempt. One attempt to an Olympic medal,” wika pa ni Obiena.

May personal best si Obiena na 6.0m na siyang kasalukuyang Asian record.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with