Caloy pinarangalan ni Go sa Senado
MANILA, Philippines — Pinahalagahan ni Sen. Christopher “Bong” Go ang makasaysayang dalawang gold medals na inangkin ni gymnast Carlos Edriel Yulo sa 2024 Paris Olympic Games.
Kaya naman naghain si Go ng Senate Resolution No. 1100 bilang pagbati at pagpaparangal sa 24-anyos na tubong Leveriza, Malate.
“It is with immense pride that we recognize Carlos Yulo’s remarkable achievements,” wika ng Senador. “His dedication and hard work have brought honor to our country and inspired millions.”
Hindi lamang siya ang unang Pinoy athlete na nakakuha ng double gold medal sa Olympics kundi nakuha rin niya ang unang Olympic gold ng bansa sa artistic gymnastics men’s floor exercise at isinunod ang ginto sa men’s vault.
Binigyang-diin ni Go sa kanyang resolusyon ang kahalagahan ng sports sa pagpapaunlad ng self-discipline, teamwork at excellence na nakasaad sa Philippine Constitution.
Sinabi pa ni Go na ang nasabing tagumpay ni Yulo ay nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan na isulong ang kadakilaan sa iba’t ibang larangan.
“This historic victory not only brings pride and joy to our nation but also serves as a beacon of hope and a testament to what the Filipino spirit can achieve on the world stage,” sabi ni Go.
Naniniwala rin si Go sa tsansa sa medalya ng iba pang Filipino athletes na sasabak sa kanilang mga events sa Paris Olympics.
“Mayroon pa tayong pag-asa sa ibang laban. Si Aira (Villegas), si Nesthy (Petecio), may pag-asa pa. Ensured na tayo ng bronze, so ibig sabihin, the least na po ‘yon. So marami pang laban. Ang sarap ng pakiramdam Go, go, go for gold tayo,” ani Go. (Russell Cadayona)
- Latest